Pages

Tuesday, January 3, 2006

TXTmis

Textmis = chismis, kwento, istroya, hakahaka. Lahat ng iyan nagaganap sa bawat isang “message sent.”

Ngunit ngayon, ako ang bida. O dili kaya, “supporting actress.”

Mabuti pa nga ang langgam, pagnagkikita lamang naguumpukan at nagtsitsismisan. Ang tao, aba! Kahit hindi magkakitaan panigurado, mahaba ang antenna sa tsismisan.

Hindi naman itinatago eh. Naniniwala lang ako na may tamang oras para sa lahat. Isa na rito ang paghahayag ng balita. Eh kaso, may paniniwala nga pala ang ibang tao. Ano ka ba Tets, nalimutan mo na ba? Kaya nga naghahaka para mapadali ang pagsasabi ng balita. Asus! Ayan, naunahan ka tuloy.

Tsk..tsk..pambihira. O ayan, para sa ikatatahimik ng iyong kalooban, ang sagot sa iyong katanungan… isang malaking “OO.”

May iba pa bang katanungan?